Opisyal ng kompanya nilikida

CEBU CITY, Philippines — Isa na namang opisyal ng Tai­heiyo Cement na nakabase sa bayan ng San Fernando ang napaslang makaraang tambangan ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Mansueto Subdivision sa Barangay Bulacao, Talisay City, Cebu noong Sabado ng gabi.

Si Ernesto Silverio Por­ras, 49, assistant plant ma­nager ay ikalawang opisyal ng nabanggit na kompanya na pinaslang sa hindi pa maba­tid na dahilan.

Lumilitaw na si Porras ay lulan ng puting Kia Sorrento (YAZ-160) ka­sama ang kanyang mag-inang Caferina Mar, at anak na 14-anyos na ba­bae at ang dalawang help­er na sina Catherine Hel­lecenia at Diary Dumada-ug.

Nabatid na pauwi ang bik­tima mula sa pag-aa­ring tindahan sa ka­ha­baan ng N. Bacalso Ave­nue nang nakasalubong si kamatayan.

Ayon kay PO3 Edwin Albarado, si Catherine ay tinamaan sa kanang dibdib subalit out of danger ha­bang ang anak at dala­wang helper ay nakaligtas.

Magugunitang noong Hunyo 25, tinambangan subalit nakaligtas ang marketing manager ng Taiheyo Cement na si Nestor Za­moras sa panulukan ng Gorordo and Cardinal Ro­sa­les Ave. sa Barangay Kamputhaw, Cebu City. Naaresto naman ang mga suspek na sina Orlando Sgnoy, 30, ng Brgy. Mac­tan, Lapu-Lapu City, Ce­bu; Roberto Terciro ng Mo­hon, Toledo City; at si Je­rome Noel ng Brgy. Ba­nawa, Guadalupe. Freeman News Service

Show comments