Mayor huli sa gun ban

GUINYANGAN, Que­zon, Philippines —Naaresto ng mga awtoridad ang alkalde ng bayang ito dahil sa pag­labag sa umiiral na gun ban kamakalawa ng gabi sa barangay Sumulong.

Sumasailalim sa im­bestigasyon si Mayor Angel Ardiente Jr. dahil sa nahuli ditong mga armas ng ma­sita ang sasakyan nito sa isang checkpoint ban­dang alas-10:45 kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ng mga aw­toridad kung lumabag sa ipinaiiral na gun ban si Mayor Ardiente dahil sa dalang mga baril sa loob ng kan­yang Nissan Urvan na may plakang SGX-888 nang masita sa checkpoint.

Bukod sa alkalde ay lulan din ng sasakyan ang mga tauhan nitong sina Pablito Ro­driguez, Jones Cambro­nero, Vicente Amar, Jason Nosquial at Rufo Proceso.

Ang nahuling mga baril sa loob ng sasakyan ng alkalde ay isang baby ar­malite na may 9 na magazine, 1 MK9 machine pistol, dalawang kalibre 45 ba­ril at mga bala.

Nagsasagawa ng check­­point ang pinagsanib na elemento ng Provincial Intelligence Branch ng PNP at Quezon Provincial Public Safety Company sa baran­gay Sumulong ng mapansin ng mga ito ang baril sa loob ng sasakyan ng alkalde. Ina­alam pa ng mga awtoridad kung may­roong gun ban exemp­ t­ions ang mga baril ng al­kalde.

Show comments