^

Probinsiya

Hepe sibak sa 1-strike policy ng PNP vs jueteng

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinibak kahapon ni PNP chief Raul Bacalzo ang isang hepe ng pulisya sa Nueva Ecija dahil sa pag-iral ng jueteng sa nasa­sakupan nito.

Sasampahan din ng ka­song administratibo si Chief Inspector Peter Ma­dria, hepe ng Cabiao police station sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa 1-strike policy ni PNP chief Bacalzo laban sa jueteng.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., si Chief Insp. Madria ang nasampolan ng 1-strike policy ng PNP chief laban sa jueteng matapos mahulihan ng bawal na sugal ang kanyang nasa­sakupan.

Ang itinalagang bagong hepe ng Cabiao police ay si Chief Inspector Jonathan Alayan matapos na ilagay sa ‘floating status' si Madria habang isinasa­ilalim sa imbestigasyon.

Base sa report ni Sr. Supt. Roberto Aliggayu, Director ng Nueva Ecija Police, nasibak si Madria sa puwesto matapos na ma­a­resto ang apat katao na nagsasagawa ng STL bookies sa illegal outlets sa kaniyang hurisdiksyon.

Nabatid na ang mga na­arestong suspek ay nag­susuperbisa sa jueteng sa halip na sa STL, ang number game na inilunsad ng gobyerno upang ipantapat sa illegal number game na operasyon ng jueteng.

Nagpapatuloy naman ang mahigpit na pagpa­ pa­­tupad sa one strike policy kontra jueteng na siyang ipinalabas na di­rektiba ng PNP chief.

AGRIMERO CRUZ JR.

CABIAO

CHIEF

CHIEF INSP

CHIEF INSPECTOR JONATHAN ALAYAN

CHIEF INSPECTOR PETER MA

MADRIA

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with