Bunso ginilitan ni kuya

BULACAN, Philippines Kamatayan ang sumalubong sa isang 19-anyos na lalaki makaraang gilitan ng kanyang kuya dahil sa pagkapikon habang nakikipag-inuman ng alak sa kanyang mga kaibigan sa Barangay Tungkong Mangga sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa ospital si Jonathan Asilum habang nasakote naman ang suspek na si Jester Asilum, 29, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO3 Freddie Ferrer, magkasamang nag-iinuman ang mag-utol at ilang kaibigan nang mapikon ang suspek sa mga binitiwang masamang salita. Dahil sa senglot na ang suspek ay nagawang ginilitan ang kanyang utol.

Show comments