Food-for-work vs dengue

ZAMBALES, Philippines Mata­gum­pay na nailunsad ang food-for-work program ng lokal na pamahalaang ng Iba na nilahukan ng mga residente upang makaiwas sa sakit na dengue.

Pinangunahan ni Mayor Ad Herbert Deloso, ang pamamahagi ng 870 ka­bang bigas na tinanggap ng munisipyo mula sa pamahalaang nasyunal sa tulong ng World Food Program Organization at Community and Family Services Incorporated.

“Malaking tulong ang programa, lalo na sa mga mahihirap nating kababa­yan, dahil bawat araw na pagtatrabaho ay may ka­tumbas na 10-kilong bigas. Nakatulong ka na sa pag­lilinis ng komuninad upang makaiwas sa sakit na dengue­, nakinabang ka pa,” wika ni Mayor Deloso.

Sa pangangasiwa ng tanggapan ni Sixta Ba­ngug, hepe ng Municipal Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) office, pangunahing nakinabang sa proyekto ay mga vulnerable communities at indigent population na malub­hang naapektuhan ng bag­yong “Ondoy” at “Peping” noong Sept. 2009.

Ayon kay Bangug, sa loob ng nagdaang siyam na araw, kanilang nalinis na ang mga daluyan at imba­kan ng tubig sa Daloy/Tacar Dirita, Lipay-Dingin at Iba, Galumayen, Ta­gaeb-Bacoli, Kawayan-Kiling at Bangan-Talinga.

Nakapagtanim din ng 4,000 mangrove seedlings sa Brgy. Palanginan at pagtatanim ng saging sa Lupang Pangako Resettlement area at Brgy Amu­ngan.

Show comments