Mekaniko dedo dahil sa utang

BULACAN, Philippines  — Binaril at namatay ang isang 40-anyos na mekaniko ng negosyanteng naniningil ng pautang kamakalawa ng gabi sa Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa kaliwang mata si Alfredo Senelos Jr. habang naaresto naman ang suspek na si Noe Mercado, 45. Sa imbestigasyon ni SPO1 Ric Barchita, naningil ng pautang ang suspek na ikinairita naman ng biktima na humantong sa pamamaslang. 

Show comments