4 karnaper arestado

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga opera­tiba ng pulisya ang notoryus na carnapping gang kasu­nod ng pagkakaaresto sa lider ng grupo at tatlo nitong tauhan sa isinagawang ope­rasyon sa Butuan City, Agu­san del No­rte, ayon sa ulat.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Charlie “Boyet” Lim, may-ari ng Pisces Insurance Agency at tatlo nitong tauhan.

Si Lim na nagmama­neho ng nakaw na kotse na may plakang ZSB 527 ay na­aresto ng pu­ lisya sa Malvar Street sa Butuan City.

Nasamsam sa nabang­git na opisina ni Lim ang mga blangkong LTO, OR, CR forms , LTO validation stickers, license plates at iba pang dokumento na gina­gamit sa kanilang modus operandi.

Inaresto rin ang tatlong tauhan ni Lim na sina Rol­dan Tion, Daisy Lim at Ruby Cla­verol na isina­ilalim na sa inquest proceedings noong Biyernes kaugnay ng pagla­bag sa Anti-Carnap­ping Act at Falsification of Public Documents.

Show comments