Drayber dedo sa pulis

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang away-trapiko ang isa sa motibo kaya nabaril at napatay ng pulis ang drayber ng traysikel sa bahagi ng Barangay Malis sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Joselito Balatbat, 49, ng Grace Village, Brgy. Sta. Cruz habang sumuko naman si PO1 Anthony Ancheta ng Provincial Public Safety Company sa Kampo Alejo Santos, Malolos City at nakatira sa Brgy.Panginay, Guiguinto. Ayon kay PO3 Mark Manaig, nagkainitan ang dalawa matapos sigawan ng biktimang lulan ng motorsiklo ang nakamotorsiklo ring si PO1 Ancheta. Sinasabing lango sa alak ang biktima nang magpaputok ng baril kaya binaril din ni PO1 Ancheta.

Show comments