P.2M holdap sa gasolinahan

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.2 milyong cash ang natangay ng mga armadong lalaki matapos holdapin ang gasolinahan sa Baragnay Tuburan sa bayan ng Oton, Iloilo kamakalawa ng gabi. Nabatid sa ulat na isa sa mga suspek na nanloob sa gasolinahan na si Angelico Suravilla Jordan Jr. ng Brgy. Jeli­con Montinola, Cabatuan ay nasawi matapos sumemplang ang kanyang motorsiklo sa bahagi ng Barangay Banga San Jose, San Miguel. Ginawa namang gateaway vehicle ang Nissan Frontier (FGT 423) kung saan inabandona sa bahagi ng Barangay Tuburan.

Show comments