^

Probinsiya

16-anyos na dalagita, kinatay si Inay at Itay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang isang 16-anyos na dalagita matapos nitong paslangin sa saksak ang kaniyang mga magulang habang su­gatan naman ang kani­yang kapatid na batang babae sa kanilang bahay sa Tupi, South Cotabato kaha­pon ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang mag-asawang sina Ronilo Castro­mayor, 46 at misis nitong si Henarlie, 43; ka­pwa residente ng Sitio Maunlad, Brgy. Balol­mala, Tupi ng lalawigang ito.

Patuloy namang nilala­patan ng lunas sa paga­mutan ang anak nilang si Nita, 12 anyos.

Isinailalim naman sa kus­todya ng pulisya ang me­nor de edad na suspect na itinago sa pangalang Rosalie.

Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng tahanan ng mag-anak sa nasabing lugar bandang alas-2 ng ma­daling araw.

Sa pahayag sa pulisya, naalimpungatan ang mga kapitbahay sa malalakas na sigawan buhat sa bahay ng pamilya Castromayor bunga ng mainitang pagta­talo sa pagitan ng mag-asawa at ng suspek.

Nabatid na napagalitan ng mag-asawa ang suspek dahi­lan masyadong mati­gas ang ulo nito na mahilig gumimik. Lumalabas sa imbestigasyon   na binanta­yan ng suspect na maka­tulog ang kanyang mga ma­gu­lang saka doon niya inundayan ng sunud-su­nod na saksak ang mga ito.

Hindi umano pinansin ng mga kapitbahay ang palahaw ng nakababatang kapatid ng suspek sa pag-aakalang away pamilya lamang ito.

Kinabukasan ay nadis­kubre ang krimen matapos na isang kapitbahay ng pamilya ang nagtungo sa bahay ng mga ito at dito’y nabungaran ang duguang mag-asawa na pawang tadtad ng mga saksak sa katawan gayundin ang nakababatang kapatid ng suspek.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

BALOL

BRGY

CAMP CRAME

CASTROMAYOR

HENARLIE

RONILO CASTRO

SHY

SITIO MAUNLAD

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with