12-anyos ibinugaw sa mayor

OLONGAPO CITY, Philippines — Nasa balag ng alanganing masuspendi sa puwesto at makulong ang isang alkal­de sa bayan ng San Marce­lino sa Zambales matapos mag­sam­pa ng reklamo ang mga ma­gulang ng 12-an­yos noong Linggo.

Base sa naantalang ulat ni P02 Lolita Dela Cruz na isi­­­numite kay P/Chief Insp. Ce­­sar Cabling, hepe ng Olonga­po PNP Station 1, kinilala ang sus­pek na si San Marcelino Mayor Jose Rodriguez (Parti­do Lakas-Kampi).

Sa paunang pagsisiya­sat, lumilitaw na noong Linggo ng hapon (Sept. 12) ay ibinugaw ng isang alyas Jodie ang biktima kay Mayor Rodriguez sa hala­gang P5,000.

Napag-alamang nadis­kubre ng ina ang transak­syon matapos mabasa ang mga text messages na ipi­nadala ni Jodie sa cellular phone ng bik­tima na naiwan nito sa bahay sa East Ta­pinas, Olongapo City.

Sa ilang text messages ni Jodie sa biktima na ibubu­gaw siya kay mayor kung saan sila magkikita sa terminal ng bus sa Olongapo City.

Dito na humingi ng tulong ang ina ng bata kay Cabling na agad namang nakipag-ugnayan sa Olongapo City Social Welfare and Development Office at mga pulis-San Marcelino.

Natunton naman ang bik­tima sa resthouse ng mayor sa Barangay Linusungan sa San Marcelino

Gayon pa man nagulat ang mga magulang ng bik­tima at ilang tauhan ng Stand Anti-Violence Now, Yu­kobari Foundation, Buk­lod Center, Wed Pro at CS­WD na hindi inimbitahan at inaresto si Mayor Rod­riguez.

Nagsampa na ng kau­ku­lang kaso noong Lunes ang ina ng biktima kasama ang ilang kawani ng OCS­WD habang sumailalim na medical examination sa James Gordon Memorial Hospital ng biktima.

Makailang ulit na tinang­kang kontakin ng PS­Nga­yon ang nabanggit na al­kalde para magbigay ng panig ngunit hindi na ito mahagilap at maging ang tanggapan nito ay hindi na tumatanggap ng panauhin.

Show comments