3 kasapi ng Patulo Gang tiklo

BULACAN, Philippines — Tatlong mi­yembro ng Patulo Gang ang nadakip ng pulisya matapos maaktuhang nagnanakaw ng krudo sa nakaparadang tank­er sa Barangay Dampol 2nd sa bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon. 

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Agapito Santos, alyas Amang Patulo, 50, ng Brgy. Dampol 2nd; Joseph Villagonza, 23, dray­ber, ng Sampaloc, Manila at si Sesinando Apostol, 33, truck helper, ng Brgy. Pungo, Ca­lumpit, Bulacan. Ayon kay P/Supt. Myrna Reyes, na­dakip ang tatlo matapos mag­reklamo ang may-ari ng oil tanker laban sa mga suspek.

Dito na umaksyon ang pangkat ni P/Senior Insp. Jayson San Pedro kung saan na­aktuhan ang mga suspek sa pagnanakaw ng krudo mula sa tanker (RFL­975) ng ka­nilang amo. Na­rekober ng pulisya ang 38 litro ng krudo na nakalagay sa drum.

Show comments