CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 34-anyos na mister na napagkamalang ispiya ng militar ang napatay makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa harapan ng kanyang pamilya sa Sitio Tigkiw sa Saday, Barangay Tigkiw sa bayan ng Gubat, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Sapol sa ulo si Sonny Rey Diolata matapos pagbabarilin habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanilang tahanan kasama ang kanyang asawa mga anak.