3 utas sa highway tragedy

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang 10 iba pa ang nasugatan matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa McArthur Highway sa Brgy. San­ti­a­go, Bauang, La Union noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Richard Sison, driver ng bus; Rosalina Nuñez; at ang bicycle rider na si Lorme Collado. Sangkot sa saku­na ang pampasaherong bus na may plate number AVR-224, pulang Mitsu­bishi Lancer (AAE-973) at puting L-300 van (AEM 123). Kabilang naman sa mga nasugatan ay sina Reynaldo Navalta, driver ng van at ang 2-pasahero nito, isang pasahero ng Lancer at anim naman sa bus. 

Ayon sa ulat, bumabag­tas sa katimugang direk­syon ang bus nang sumal­pok sa Lancer bago bi­nang­ga naman ang L300 van at bisikleta ni Collado.

Show comments