^

Probinsiya

Obrero pinatay sa gulpi ng 3 'pulis'

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Napas­lang ang isang 33-anyos na obrero makaraang pag­tulungang gulpihin ng tat­long armadong lalaki na si­nasabing mga pulis-Ca­loocan sa Barangay San Manuell, San Jose Del Monte City, Bulacan kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Nilo Tagulo ng Pangarap Village, Calo­ocan City habang nakilala naman ang mga suspek na sina PO1 Gerardo Garcia, at ang dalawang pulis na may apelyidong Mones, at Ortega ng pawang mga nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Caloocan City.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ni PO3 Menandro Policarpio, naglalakad ang biktima kasama si Manuel Alba sa bisinidad ng Pleasant Hills, nang harangin at tutukan ng baril ng tatlong suspek na nakasibilyan.

Gayon pa man, naka­takbo ang dalawa subalit hinabol ng mga suspek kung saan nakorner si Tigulo at pinagtulungang gulpihin.

Lingid sa tatlo ay nasak­sihan ni Alba ang insidente habang nakatago sa gilid ng sapa.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center sa Quezon City subalit nama­tay din ang biktima habang ginagamot.

vuukle comment

BARANGAY SAN MANUELL

CALOOCAN CITY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GERARDO GARCIA

MANUEL ALBA

MENANDRO POLICARPIO

NILO TAGULO

PANGARAP VILLAGE

PLEASANT HILLS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with