Battalion supply officer kinatay

MANILA, Philippines – Palaisipan ang pamamaslang sa supply officer ng Philippine Army matapos itong pagbabarilin, gilitan ay itapon pa ang bangkay sa kanal malapit sa tanggapan ng Department of Education Division Office sa Purok 1, Ba­ran­gay Bulanao sa Tabuk City, Kalinga kamakalawa ng uma­ga.

Kinilala ang napaslang na si 1st Lt. Gerald Beloso, Bat­talion Responsi­ble Supply Officer ng Army’s 21st Infantry Battalion sa bayan ng Pinukpuk, Kalinga. Lumilitaw sa pagsusuri ng Kalinga Pro­­vincial Crime Laboratory Office, ang biktima ay tinamaan ng bala sa likuran na nag­lagos sa dibdib nito at may dalawang sugat sa baba.

Sa phone interview, sinabi naman ni Capt. Ado­­nis Banez, spokesman ng Army’s 501st Infantry Brigade, naki­ki­pagtulungan na sila sa mga imbestigador ng pulisya.

Samantala, wala namang nawawala sa mga supply na hawak ng biktima sa 21st Infantry Battalion. Kaugnay nito, ilang per­sonalidad ang inimbitahan ng pulisya upang mabigyang linaw ang kaso kabilang ang posibleng anggulo ng foul play.

Show comments