Mag-iina, 2 pa utas sa sunog

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa dalawang mag-iina at dala­wang iba pa maka­raang makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Baran­gay Campo Islam sa Zam­boanga City, kamakalawa ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nasa­ wi ay sina Rosalyn Laja, Je­jan, 2; Jumadir,1 at ang bi­ye­nang si Saddan Vas­quez, 48.

Natagpuan ang mga bangkay sa ikalawang pa­la­pag ng kanilang tahanan.

Naging palaisipan na­man sa pulisya ang sinapit ni Nurwin Vasquez na na­tagpuang patay sa likurang bahagi ng compound na may tama ng bala ng baril.

Bago maganap ang su­nog, narinig ng mga kapit­bahay ang malakas na pagsabog mula sa bahay ng pamilya Vasquez na posibleng nagmula sa tangke ng liquified petroleum gas (LPG).

Samantala, may teorya naman ang pulisya na si­nadya ni Nurwin ang sunog matapos na marinig ng mga kapitbahay na binan­taan nito ang kani­yang misis na sisilaban ang ka­nilang bahay bunga ng pag-aaway ng mag-asawa.

Show comments