Driver dedo sa road mishap

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Isang driver ang nasawi habang sugatan naman ang dala­wa nitong kasamahan ma­tapos na maaksidente ang sinasakyan ng mga itong armored van sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Tayabo kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto L. Aliggayu, Nueva Ecija Police Provincial Director, ang nasawing biktima na si Alfredo Bal­lares Jr., 31, may-asawa ng Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Isinugod naman sa San Jose City General Hospital ang dalawang sugatang sina Bonifacio Trinidad, 36, may-asawa ng Umingan, Pangasinan; at Rowel Taruc , 29, may-asawa ng Victoria, Tarlac.

Ang tatlo na pawang mga security guard ng Safe Guard Security Agency ay sakay ng kanilang service armored vehicle (XFL-803) dakong alas-3:30 ng ma­daling-araw at patungo sa bayan ng Solano, lala­wigan ng Nueva Vizcaya ng mangyari ang sakuna.

Kasalukuyang mina­ ma­neho ni Ballares ang behi­kulo ng hindi nito na­pansin ang karatula ng checkpoint ng pulisya dahilan sa nakakasilaw na ilaw sa kabilang linya ng kalsada na nag­bun­sod sa trahedya.

Show comments