Guro kinidnap ng ex-suitor

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ex-suitor ang isa sa limang lalaki na sinasabing dumukot sa isang guro sa harapan mismo ng kanyang mga estudyante sa Barangay Campo Islam sa Siasi, Sulu kamakalawa ng umaga. Naganap ang pagdukot kay Ridzma Harun sa loob ng silid-aralan sa Siasi East Elementary School. Lumilitaw na abala sa pagtuturo si Harun nang dumating ang mga armadong lalaki kung saan walang nagawa ang biktima at maging ang mga batang estudyante ay natakot din. Isa sa mga suspek ay nakilalang si Kenneth Utah. Sinisilip naman ng pulisya bilang motibo ng krimen ay ang alok na pagpapakasal ng isa sa mga suspek na tinanggihan naman ng guro.

Show comments