LEGAZPI CITY, Philippines – Pinaniniwalaang nanlaban sa mga holdaper kaya binaril at napatay ang isang 28-anyos na mister kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng F. Imperial Street sa Legazpi City, Albay. Nasapol sa ulo si Hernan Nayve, kawani ng Embarcadero de Legazpi, samantalang nakaligtas naman ang kanyang misis na si Mailyn Nayve, 28, kahera ng Lotto outlet sa Pacific Mall at kapwa residente ng Camalig, Albay. Lumilitaw na magkasamang naglalakad ang mag-asawa nang hablutin ng ‘di-pa kilalang lalaki ang bag ng babae na naglalaman ng P50,000 mula sa benta sa lotto. Nanlaban ang biktima kaya binaril sa ulo kung saan natangay naman ang bag ng kanyang misis bago tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo.