QUEZON, Philippines – Dalawang oras lamang ang pagitan nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang dalawang lalaki kamakalawa sa bayan ng Sariaya, Quezon. Naunang tinambangan at napatay si Catalino Mendoza, 47, ng Barangay Manggalang. habang si Luisito Javid, 39, ay niratrat sa Sentrong Pamilihan sa Barangay Sampaloc 2. Ayon kina SPO1 Edgardo Garcia at PO3 Noriel Banaag, posibleng mga hired killer ang kumana sa dalawa dahil sa kapwa may pagka-propesyunal ang pagkilos.