Alalay ng vice mayor itinumba

CAVITE, Philippines  – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang bodyguard ng vice mayor sa panibagong ka­ra­­ha­sang naga­nap sa Barangay Toclong I-C, sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Antonio Reyes, 65, alalay ni Vice Mayor Mandy Ilano sa bayan ng Imus. Base sa police report, lumilitaw na papa­uwi na ang biktima lulan ng traysikel nang harangin at ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na lulan ng kotse.

Show comments