5 sundalo utas sa NPA

MANILA, Philippines - Limang sundalo ng Philippine Army ang napaslang matapos na ratratin ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army ang command post ng militar sa bayan ng Veruela, Agusan del Sur kahapon ng madaling-araw.

Gayon pa man, pansa­man­talang hindi muna ti­nu­koy ni Army’s 4th Infantry Division commander Major Gen. Victor Felix ang pangalan ng mga napatay dahil kailangan pang im­pormahan ang pamilya ng mga ito.

Bandang alauna y 45 ng madaling-araw nang ataki­hin ang bagong tayong command post ng Charlie Company sa Barangay Fortuna, Veruela.

Nabatid na natutulog ang karamihan sa sundalo nang maganap ang sorpre­sang pag-atake.

Naisugod naman sa D.O. Plaza Memorial Hospital sa bayan ng Prospe­ridad, Agusan del Norte ang isang sundalo na su­gatan.

Nagawa namang mata­ngay ng mga rebele ang tat­long armas ng mga sundalo.

Napilitan namang mag­si­atras ang mga rebelde matapos na mamataan ang paparating na reinforcement troops mula sa main camp ng mga sundalo.

Show comments