^

Probinsiya

Mayor kinasuhan sa Ombudsman

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nalalagay sa balag ng alanganing ma­sibak sa tungkulin ang isang mayor sa Isabela matapos kasuhan sa Ombudsman kaugnay sa pag­tatalaga ng kanyang mister bilang opisyal ng water district may limang taon ang nakalipas.

Kinumpirma ng Ombudsman ang kasong ne­po­tismo laban kay San­tiago City, Isabela Mayor Amelita Navar­ro matapos italaga ang kan­yang mister na si Dr. Jose Na­varro sa Santiago City Water District (Sanwad). Bilang kinata­wan ng medical sector.

Sa 13-pahinang resolution na ipinalabas ng Ombudsman noong July 12, 2010, may mga ebiden­siyang nagpapa­kita na si Navarro ay sangkot sa nabanggit na kaso.

Nauna na ng naghain ng reklamo si Lydia Makiling, barangay councilwoman ng Barangay Dubinan East, Santiago City laban kay Mayor Navarro noong 2005 sa paniniwalang labag sa batas ang pagkatalaga ng alkalde kay Dr. Navarro.

Sinubukan naman ng PSN na kunan ng pahayag ang kampo ni Navarro subalit hindi ito nagbibigay ng kasagutan sa mga ta­wag at text ng mga ma­ma­ma­hayag.

Samantala, itinakda ng Sandiganbayan ang arraignment laban kay Na­varro sa kasong nepotism sa tangga­pan ng Ombudsman sa September 23.

vuukle comment

BARANGAY DUBINAN EAST

DR. JOSE NA

DR. NAVARRO

ISABELA MAYOR AMELITA NAVAR

LYDIA MAKILING

MAYOR NAVARRO

NAVARRO

NUEVA VIZCAYA

SANTIAGO CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with