8 Intsik huli sa illegal mining

MANILA, Philippines - Walong Chinese national ang inaresto ng mga operatiba ng pulisya matapos na maaktuhang illegal na nagmimina sa bayan ng Gonzaga, Cagayan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Jurry Tagnia, Yuangcuan Dong, Daiyen Nie,Faneng You, Hanzi Pong, Ziaong Han, Zhizhong Wang at Anguo Tian. Ayon sa ulat, ang naturang dayuhan ay nadakip ng mga elemento ng Regional Intelligence Division (RID) at Gonzaga Municipal Police Station sa Brgy. Batangan, Gonzaga ng lalawigan bandang alas-4:30 ng hapon sa aktong nagsasagawa ng illegal na pagmimina sa lugar.

Show comments