Ama nag-amok: Bata dedo, 4 grabe

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 12-anyos na babae ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang ma­lubhang nasugatan makaraang pagtatagain ng kanilang amain na sinasabing nagbigti naman matapos ang insidente sa Barangay Monte Calvario sa bayan ng Bulan, Sorsogon ka­makalawa. Si April Gracella ay napuruhan sa ulo ng itak sa­mantalang nakikipaglaban naman kay kamatayan sa Pawa Hospital sina Eleanor Gracella, 35; anak na si Alberto Grac­­cella, 11; magpinsang Arvin Lobusta at Anthony Lo­busta. Sa­mantala, nagbigti naman si Roan Mando, 33, live-in partner ni Eleanor matapos ang pananaga. Sa ulat ni P/Senior Supt. Eriberto Olitoquit, matinding selos ang isa sa motibo kaya naganap ang insidente.

Show comments