Ama inutas ng anak

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaslang ang isang 42-anyos na ama matapos pagpapaluin sa ulo ng kanyang anak na lalaki sa loob ng bahay sa Barangay Castellano sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Mauricio Casino y Bactol, hiwalay sa asawa, farm helper, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Marvin Casino y Cayetano. Napag-alamang nakikinig ng videoke machine ang biktima nang lapitan at paslangin ng suspek. Nabatid na may hindi pagkakaunawaan ang mag-ama kaya na­ganap ang krimen.

Show comments