BAGUIO CITY, CEBU, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng anak na lalaki ng director ng Baguio General Hospital and Medical Center at dalawang iba pa matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation may ilang metro lamang ang layo mula sa Baguio City Hall at himpilan ng pulisya kahapon ng umaga.
Naaktuhang nagbebenta ng shabu sina Allan Factora, 36, anak ni Dr. Manuel Factora, director ng BGH; Maynard Belen, 24, at si Melinda Fernandez, 37, kung saan tinangka pang tumakas ng tatlo.
Napilitang putukan ng mga tauhan ni Drug Enforcement Unit chief P/Senior Inspector Henry Domogan ang apat na gu long ng Toyota Hi-lux pick-up (UGW 728) ng mga suspek.
Kasunod nito, tinangkang palabasin ng pulisya ang tatlo sa sasakyang tumawid sa pedestrian crossing sa kahabaan ng Abanao Street hanggang sa dumating at mamagitan si Dr. Factora at misis nito.
Nasamsam sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu na may street value na P3,776. May teorya ang pulisya na nilunok ng tatlo o kaya hinalo sa soft drink ang iba pang bawal na droga para maiwasan ang makumpiska.
May ilang buwan na ring mino-monitor ng mga anti-narcotic agent ang grupo ni Factora, dahil sa pagkakasangkot sa ba wal na droga.