Nasermunan ng ina, nag-suicide

QUEZON, Philippines — Isang 18-anyos na lalaki ang iniulat na nagpakamatay makaraang mapagalitan ng kanyang ina kamakalawa sa Lucena City, Quezon. Si Erwin Loyola, ay natagpuang nakabitin sa punong mangga sa Purok Riverside, Barangay Mayao Castillo. Ayon kay PO2 Randy Buenaventura, malimit na pagalitan ng kanyang ina ang biktima kaya posibleng dinamdam nito at nag­desisyong mag-suicide.

Show comments