Traffic aide pumigil sa emergency, sinaksak
ZAMBALES, Philippines — Isang traffic enforcer na sinasabing pumigil sa drayber ng traysikel na magdadala sa isang pasyenteng nasa kritikal na kalagayan sa klinika ang kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan matapos pagsasaksakin kamakalawa ng gabi sa bayan ng Subic, Zambales. Sa ulat na tinanggap ni P/Senior Insp. Nelson Dela Cruz, kinilala ang nasaksak na si Erwin Ocampo, 44, traffic aide ng Subic Traffic Management Board, at nakatira sa resettlement Purok 4, Mangan-Vaca. Samantala, naaresto naman ang suspek na si Ronald Gamac, 27, traysikel dayber, ng Daligan Street sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na hinarang ni Ocampo ang traysikel ni Gamac malapit sa munisipyo at tinangkang hulihin sa hindi nabatid na dahilan. At dahil sa emergency case ay nakiusap si Gamac subalit halip na payagan ay pinagmumura pa ang una kung saan pinayagan namang makaalpas sa pakiusap na rin ng ilang residente. Dahil sa namiligro ang buhay ng anak ni Gamac kung kaya nagdilim ang isip nito kung saan binalikan at pinagsasaksak si Ocampo.
- Latest
- Trending