BULACAN, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-ina makaraang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Tig-anim na bala ng baril ang tumapos sa buhay nina Martina Merino, biyuda; at anak nitong si Domingo Reyes 36, kapwa tubong Naga City, Camarines Sur. Samantalang tugis naman ng pulisya ang kapitbahay ng mag-ina na itinuturing na suspek na si Reynaldo Soplasa.
Base sa ulat ni P03 Menandro Policarpio, nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay ang mag-ina nang sipain ni Soplasa ang pintuan ng mga biktima.
Dito na umalingawngaw ang sunud-sunod na pu tok ng baril bago tumakas ang suspek.
Pinaniniwalaang may kinalaman sa matagal na alitan kaugnay sa lupaing pinag-aagawan sa nabanggit na barangay.