^

Probinsiya

Ina, 3 anak nalason sa kabute

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang ina at tatlo nitong anak ang iniulat na nalason makaraang kumain ng ka­kaibang kabute na niluto para sa tanghalian kamakalawa sa Barangay Tinagacan sa General Santos City. Kinilala ang mga nalason na sina Delia Parcon, 47; Jurish Dave, 6; Maria Theresa, 18 at si Mark Anthony, 15, na pawang residente ng Purok 15 sa nabanggit na barangay. Sina Maria Theresa at Mark Anthony ay hindi naman naisugod sa General Santos District Hospital matapos kumain ng kinayod na niyog na nilagyan ng maraming asukal bilang paunang lunas. Lumilitaw na iniulam ng mag-iina sa pananghalian ang kabuteng kinuha ng ina mula sa niyugan. Gayon pa man, makalipas ang 3-oras matapos kumain ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mag-iina. Pinaniniwalaan namang ligaw na kabute na tumubo sa dumi ng hayop ang nakain ng mag-iina.

BARANGAY TINAGACAN

DELIA PARCON

GAYON

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS DISTRICT HOSPITAL

ISANG

JURISH DAVE

MARIA THERESA

MARK ANTHONY

SINA MARIA THERESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with