1 patay, 13 sugatan sa Zambo airport blast
ZAMBOANGA CITY, Philippines — Isa katao ang nasawi habang aabot sa 13 iba pang nasugatan kabilang si Sulu Gov. Sakur Tan sa naganap na pagsabog sa Zamboanga international Airport kagabi.
Sinabi ni Mayor Celso Lobregat, isa ang kumpirmadong nasawi matapos ang pagsabog sa harap ng arrival area ng nasabing paliparan habang nasa 13 katao naman ang nasugatan.
Wika pa ni Mayor Lobregat, isa sa 13 injuries ang nasa kritikal na kalagayan habang inaalam pa ng mga awtoridad kung anong uri ng pampasabog ang ginamit at kung anong grupo ang nasa likod nito.
Habang isinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng mga awtoridad ang identification ng mga biktima na isinugod sa iba’t ibang pagamutan.
Nakatakdang dumalaw sa araw na ito sa lungsod na ito si US Ambassador Harry Thomas at Papal Nuncio Edward Joseph Adams.
Siniguro naman ni Mayor Lobregat ang kaligtasan nina Thomas at Papal Nuncio sa pagdalaw nito ngayon sa Zamboanga.
- Latest
- Trending