^

Probinsiya

Grade 6 pupil ginulpi ng guro

- Dino Balabo -

BULACAN, Philippines — Nala­lagay sa balag ng alanga­ning masibak sa puwesto at makulong ang isang guro at punong-guro ma­ka­­­ra­ang ireklamo ng es­tud­yante kaugnay sa pambu­bugbog sa loob ng klas­rum sa Barangay Camias sa bayan ng San Miguel, Bulacan, ayon sa ulat ka­hapon.

Kinilala ang inirekla­mong sina Crispin Balino ng San Miguel North Central School at ang punong- guro na si Placido Carlos.

Batay sa reklamo ni Perlita Laureano, ina ng Grade six pupil, sinaktan ni Balino ang kanyang anak matapos malaman na ka­bilang ito sa apat na mag-aaral na nagharutan may ilang araw na ang naka­lipas. Sinasabing sinuntok sa braso at sikmura ni Balino ang bata kung saan pinitsarahan saka isinalya at tinadyakan kaya nag­reklamo naman ang ina sa punong-guro na si Placido Carlos.

Subalit imbes na pata­wan ng parusa si Balino ay pinagtakpan pa ni Carlos ang ginawa ng guro kung saan ininsulto ang ina ng bata.

Tumanggi namang mag­­­­bigay ng pahayag sa harap ng camera si Carlos kung saan galit na binali­ngan ang mga mama­ma­hayag.

Kasunod nito, nakatak­da naman ireklamo ng mga mamamahayag si Carlos sa pamunuan ng Department of Education dahil sa pagka-arogante nito.

vuukle comment

BALINO

BARANGAY CAMIAS

BATAY

CRISPIN BALINO

DEPARTMENT OF EDUCATION

PERLITA LAUREANO

PLACIDO CARLOS

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL NORTH CENTRAL SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with