Player dedo sa mag-aama

BATAAN, Philippines  — Napaslang ang isang 34-anyos na basketball player makaraang pagbabarilin ng mag-aama dahil sa alitan sa larong basketball sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Orion, Bataan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib at nasawi sa St. Michael Hospital si Christopher Robles habang naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang mga suspek na sina Klister Tria, 19, SK chairman; Chrispin Tria, 43, ope­ration manager ng Orion Water District; Krivzy Tria, 21; Eduardo Enriquez, 63; at si Jeffrey Tria. Nag-ugat ang krimen matapos suntukin ng biktima si Kristel dahil sa alitan sa paglalaro ng basketball. Dito na humingi ng tulong ang batang Tria sa kanyang pamilya kung saan naganap ang pamamaslang. Nasamsam sa mga suspek ang tatlong baril at mga bala.

Show comments