Minero dinedo dahil sa titig

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Pinaniniwa­laang masamang titig ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na minero ng nakaalitang miyembro ng Cafgu sa bisinidad ng Barangay Poblacion sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Eliazer Madrilejos ng Sitio Tanba ng nabanggit na barangay habang tugis naman ang suspek na si Jaylord Bautista, alyas lolo, tatay ng Barangay Luy-a. Lumilitaw sa imbestigasyon na ipaparada sana ng biktima ang kanyang motorsiklo nang mapatitig ito sa suspek kung saan minasama naman. Dito na nilapaitan at niratrat ng suspek ang biktima.

Show comments