Mindoro, niyanig ng lindol

MANILA, Philippines - Niyanig kahapon ng magnitude-4.6 na lindol ang Occidental Mindoro sa Southern Luzon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol ay naitala ganap na alas -8:22 ng umaga kaha­pon at ang origin nito ay tectonic. Naitala din ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa may 24 kilometro timog sila­ngan ng bayan ng Mam­burao sa Occidental Mindoro.

Bunsod nito, na­ram­da­man ang lindol sa la­kas na Intensity 3 sa Mam­­burao, Puerto Ga­lera sa Oriental Mindoro at Lian sa Batan­gas.

Show comments