Dalaga dedo sa ligaw na bala

BATANGAS, Philippines — Isang 19-an­yos na dalaga ang nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa naganap na shootout sa pagitan ng mga awtoridad at hindi nakilalang lalaki ka­makalawa sa bayan ng Tuy.

Kinilala ni Senior Inspector Jose Coz, hepe ng Tuy PNP, ang nasawing biktima na si Maria May de Guzman, resi­dente ng Barangay Putol, Tuy.

Naospital naman ang ina ni Maria na si Victoria de Guzman, 45, matapos ma­dap­­lisan ng ligaw na sa na­turang shootout.

Ayon sa report, nakatang­gap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula kay Barangay Capt. Catalino Delios ng Brgy. Guinhawa na may mga kala­lakihang nagda-drag racing sa kanilang lugar bandang alas-9:12 kamaka­lawa ng gabi.

Agad namang niresponde­han ng Tuy police ang lugar pero bigla sila umanong pina­putukan ng mga suspek na nagresulta ng ilang minutong shootout hanggang sa ta­maan ng ligaw na bala ang biktima habang ito at kanyang ina ay nasa loob ng kanilang bahay.

Nagsasagawa na ng im­bestigasyon ang Batangas Provincial Police Office kung may naganap na violation sa Rules of Engagement ng Tuy police sa naturang insidente.

Show comments