MANILA, Philippines - Isang suspendidong barangay chairman na inakusahang naglustay sa pondo ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang mga armadong lalaki sa Barangay Matatag, Lamitan, Basilan kamakalawa.
Dead-on-arrival sa Zamboanga City Hospital ang biktimang si Roland Ura na nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib, kanang puso at iba pang bahagi ng katawan.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:30 ng gabi ng paslangin ang biktima ng hindi nakilalang mga suspects.
Suspendido ang nasabing barangay chairman ng 2 buwan dahil sa kasong malversation of public funds nito sa kanilang barangay.
Inaalam naman ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa kasong kinakaharap nito ang motibo ng pagpatay sa barangay official.