7-katao todas sa rabies

Bayombong, Nueva Vizcaya, Philippines — Umaabot na sa 7-katao ang naitalang nasawi matapos madale ng rabies dahil sa kagat ng aso sa Isabela, ayon sa ipinalabas na ulat kamakalawa. Sa ulat ni Dr. Angelo Naui, Isabela vete­rinary officer, lumilitaw na halos 1-katao kada buwan ang namamatay simula noong Enero hanggang Hunyo 2010. “We have intensified our anti-rabies vaccination drive especially on areas where incidents of rabies were monitored to prevent its outbreak,” pahayag ni Naui. Sa talaan ng ahen­siya, umaabot na sa 6,000 aso ang nabakunahan ng anti-rabies sa nakalipas na anim na buwan.

Show comments