Trader, natagpuang patay

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang 47-anyos na negosyante na iniulat na nawawala ang natagpuang patay sa mababaw na hukay sa liblib na bahagi ng Ba­rangay Barebes sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya ka­makalawa. Ayon sa police report, isang magsasaka na nango­ngolekta ng mga pag­ka­ing gubat ang nakakita sa na­agnas na bangkay ni Emilia Ancheta na nakatira sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Unang iniulat na nawa­wala ang biktima noong June 29 matapos siyang mag-withdraw ng P.1 milyon sa bangko na labis na ikinaba­hala ng kan­yang mga kamag-anak.

Ayon kay PChief Insp. Maciste Extor Serrano, hepe ng PNP Solano, tinukoy na nila ang sinasabing suspek na si Jayson Ubando, 19, ng Ilagan, Isabela, helper ni Ancheta sa piggery business.

Malakas ang ebidensiya na magdidiin sa suspek na namataan ng ilang testigo na nagkarga ng isang bagay na nakabalot sa sako gamit ang sasakyan ng biktima at pag­katapos nito ay ang paglilinis pa sa nasabing sasakyan dahil sa posibleng may mga bakas ng dugo.

Bukod sa nawawalang malaking halaga ay nawawala rin ang mga mamahaling ala­has ng trader.

Show comments