Pulis pinabulagta

MANILA, Philippines - Napatay ang isang alagad ng batas habang dalawang iba pa ang nasugatan sa naganap na pananambang ng mga armadong lalaki sa ka­habaan ng Rizal Street, Zone 7, sa bayan ng Ban­gued, Ab­ra, kamakalawa. Idi­neklarang patay sa Abra Provincial Hospital si PO2 Marvi Trinidad, 34, ng Tineg Municipal Police Station ng Abra Provincial Police Office matapos tamaan ng bala sa dibdib at ka­liwang hita.

Patu­loy namang ginaga­mot ang mga sibilyang sina Benedicto Balmaceda at Jervin Bringas. Lumilitaw na lulan ng traysikel ang bikti­mang pauwi nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. (with trainee Rafael Zapanta)

Show comments