Bata todas sa mortar

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isang bata ang kumpirmadong nasa­wi matapos mabagsakan ng mortar sa Barangay Ma­casendeg sa bayan ng Pikit, North Cotabato noong Huwebes. Ayon kay Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, tatlong mortar na pinaulan ng mga armadong tauhan ng isang pulitiko sa kalapit-bayan nito sa Datu Piang, Maguindanao ang bumagsak sa Barangay Macasendeg sa hangganan ng bayan ng Pikit, North Cotabato at ng Datu Piang, Maguindanao dakong alas-10 ng umaga. Dahil sa pangyayari, agad nagsilikas ang may 50 pamilya sa lugar patungo sa kalapit barangay sa Paidu Pulangi, sa bayan pa rin ng Pikit bunga ng rido o clan war ng magkaaway na angkan ng mga pulitiko dito. Sinabi ni Dandan na posibleng sumablay lang sa target ang mga pinaulan na mga mortar at bumagsak sa kalapit ba­rangay sa Maca­sendeg na ikinasawi ng isang paslit na hin­di natukoy ang pag­kakakilanlan. 

Show comments