Tapat at marangal na serbisyo... - Deloso

IBA, Zambales , Philippines — Na­nawagan si Iba Mayor Atty. Ad-Hebert Deloso sa mga opisyal ng local na pama­halaan sa bayan ng Iba na magkaisa at magtulu­ngan para maipagkaloob sa ma­mamayan ang mga pa­ngu­na­hing serbisyo.

Unang tinukoy na pra­yori­dad ni Deloso ay ang public market na nasunog noon 2009, ang lumalaking sulira­nin sa basura, at ang kaku­langan sa trabaho.

Pag-aaralan din ng kan­yang administrasyon ang mungkahing itaas ang bu­wis upang matugunan ang pa­ngunahin panga­ngaila­ngan sa kalusugan, edu­kasyon, imprastraktura, livelihood project at ang pagpapalakas ng turismo at agrikultura.

Kasunod nito, hiniling din ng bagong alkalde ang dagdag na insentibo para sa mga barangay tanod, ba­rangay health worker, mga kagawad ng Sang­guniang Bayan at ang pagpapalawig sa ka­pang­yarihan ng mga barangay chairman.

Lubos namang nagpa­sa­­lamat si Deloso sa kan­yang mga kababayan sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya at bilang kaalyado ng Partido Liberal mariin sinabi ni Deloso na hindi siya mag­nanakaw at laging ipatu­tupad ang adhikain na, “kung walang kurap wa­lang mahirap.”   “Pana­hon na ng pagka­kaisa. Unity is progress, ma­ging tapat at marangal sa ser­bisyo at walang personal na interest na isu­sulong ha­bang ako ang pinuno ng bayan ng Iba,” dagdag pa ni Mayor Deloso.

Show comments