^

Probinsiya

Stroller sinuyod ng kotse: Sanggol patay

- Danilo Garcia -

MONTALBAN, RIZAL, Philippines — Maagang nasawi ang isang 9-buwang sanggol na sakay ng strol­ler ma­karaang ma­bang­ga ng isang kotse na lulan ang isang lalaki na nag-aaral magmaneho, kamakalawa sa bayang ito.

Nakilala ang nasawing sanggol na si Joeswenn Kaizer Rivera, 9-buwang gulang at naninirahan sa Phase 3A, Eastwood Subdivision, Brgy. San Isidro ng naturang bayan.

Arestado naman ang suspek na si Glend Jibulan, 22-anyos, residente rin ng na­turang subdibisyon. Na­ha­harap ito ngayon sa ka­song reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente da­kong alas-6 ng gabi sa loob ng subdibisyon. Nabatid na itinakas ni Jibulan ang To­yota sedan (TSS-356) na pag-aari ng kanyang ti­yahin upang magpraktis magmaneho na mag-isa.

Natiyempuhan namang bumibili sa isang tindahan ang ina ng sanggol na nasa loob ng stroller at sinuyod ng kotse ng suspek na nawalan ng kontrol dahilan hindi pa ito marunong magmaneho.

ARESTADO

BRGY

EASTWOOD SUBDIVISION

GLEND JIBULAN

JIBULAN

JOESWENN KAIZER RIVERA

MAAGANG

NABATID

SAN ISIDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with