P20-milyong pondo vs krimen sa Pampanga
SAN FERNANDO, Pampanga, Philippines – Nangakong buburahin ni Governor-elect Lilia “Nanay Baby” Pineda ang lahat ng uri ng kriminalidad sa Pampanga kapag nagsimula na itong manungkulan sa susunod na linggo.
Ito ang binitiwang babala ni Pineda sa lahat ng masasamang-loob sa Pampanga na sinasabing nagpapahirap sa mga mamayan at dayuhang negosyante.
Ayon kay Pineda, maglalaan siya ng P20-milyong pondo kada-taon para sa operasyon ng pulisya upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga pulis at maging epektibo laban sa kriminalidad.
Ang desisyon ni Pineda ay bunsod ng pangamba ng mga kasapi ng Pampanga Chamber of Commerce and Industry (PAMCHAM) na ipinahayag sa ginanap na general membership kaugnay ng sunud-sunod na pagpatay sa ilang negosyante. kasabay nito, hiningi rin ni Pineda ang buong suporta at kooperasyon ng mga negosyante sa pagdakip sa mga kriminal na nagnanais guluhin ang katahimikan ng Pampanga.
- Latest
- Trending