Konsehal dedo sa pamamaril

BATANGAS , Philippines  — Kinalawit ni kamatayan ang isang kon­sehal matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa panibagong karahasang naganap sa Ma­taas Na Kahoy, Batangas kahapon ng tanghali. Kinilala ni P/Senior Superintendent Alberto Supapo, Batangas police director, ang napaslang na si Councilor Jojo Her­nandez, 33, ng Ba­rangay 2A. Ayon sa police report, nag­ta­trabaho sa loob ng kanyang junk shop ang biktima nang biglang dumating at pagbabarilin ng tatlong ar­madong lalaki na sakay ng motorsiklo. Si Councilor Her­nandez na natalo sa kandidatura noong May 10 polls ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.

Show comments