Parokya binomba ng rebelde
MANILA, Philippines - Pinasabog ng mga rebeldeng grupo ang parokya ng bayan ng Casiguran, Aurora upang takutin ang pari na lumisan kahapon ng madaling-araw.
Sa report na nakarating sa Camp Crame, tinarget ng mga rebelde ang parokya ni Father Jose Francisco Talaban ng Nuestra Senora dela Salvacion sa Purok 5, sa Barangay Biaonan.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-2:12 ng madaling-araw nang makarinig ng malakas na pagsabog si Father Talaban malapit sa kanyang kuwarto kung saan sinundan ng sunud-sunod na putok ng baril.
Nang sumilip at lumabas ang pari sa may gate ng parokya ay namataan nito ang ilang kalalakihan na tumakbo palayo kung saan masuwerte namang hindi nasugatan si Fr. Talaban.
Ikinalat ng mga rebelde ang mga pamphlet na may katagang “Aniban ng ayaw sa Komunista’ na nagbantang dapat ng umalis sa lugar si Father Talaban kung ‘di-nito nais na mapahamak.
“Mag-impake ka na ngayon din, hinahati ng pananaw mo ang mga mamamayan ng Aurora, anang kalatas ng mga rebelde.
- Latest
- Trending