Magtiyo todas sa duwelo

CATANAUAN, QUE­ZON, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag­tiyo matapos na mag-duwelo sa pamamagitan ng itak at baril ng magkasalu­bong sa pa­manhikan ng isa nilang kaanak sa Brgy. San Jose Unlayao ng ba­yang ito, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Amang Arquiruz 25, binata, pa­mang­­kin ng naka-duwelo nitong tiyo na si Lorenzo Pizar, 45, kap­wa residente ng naturang lugar. Batay sa imbestigas­yon ni PO2 Christopher Asia, may-hawak ng kaso, dakong alas-5:30 ng hapon ay du­mating si Pizar sa isinasa­gawang paman­hikan ng isa pa niyang pa­mangkin.

Nakita umano nito ang pa­mangkin na si Amang na na­kaupo sa isang silya sa ba­­kuran at walang sabi-sabing kaagad na pinagta­taga sa ulo, braso at kamay. Ba­gamat su­gatan ay naga­wang tumakbo ni Amang at binunot ang baril na cal .38 saka pinaputukan ng ma­kailang beses ang tiyo na agad nasawi sa insidente

Nagtungo ang batang Arquiruz sa bahay ni Brgy. ka­gawad Ednar Penollo pero kinalaunan ay nala­gutan ito ng hininga dahil sa pag­kaubos ng dugo. Sa pagsisi­yasat ng pulisya na­batid na matagal ng may malalim na alitan sa pagitan ng mag­tiyuhin.

Show comments