^

Probinsiya

Hotel owner utas sa ambush

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Niratrat ng hindi pa nakila­lang mga armadong lalaki ang isang hotel owner at Pangulo ng isang hotel sa naganap na pananambang sa Cebu City kamakalawa ng gabi.

Sampung tama ng bala sa ulo at dibdib ang tumapos sa buhay ng biktimang kinilalang si Manuel Ting, 72-anyos, presidente ng Cebu Parklane International Hotel. Batay sa ulat ng Cebu Provincial Police Office, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng F. Llamas St. sa Barangay Tisa, Cebu City.

Kasalukuyang minama­neho ng biktima ang kan­yang kulay abong Mercedez Benz na may plakang MGT 168 nang pagbabarilin ito ng isang lalaki na nakasuot ng kulay itim na sleeveless shirt na pinaniniwalaang armado ng Uzi submachine gun.

Bunga nito, sumalpok pa ang sasakyan ng biktima sa isang Toyota Avanza na may plate number YGX-842 nang tangkain nitong iwasan ang gunman. Tinutugis pa ang mga salarin.

vuukle comment

BARANGAY TISA

BATAY

BUNGA

CEBU CITY

CEBU PARKLANE INTERNATIONAL HOTEL

CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE

LLAMAS ST.

MANUEL TING

MERCEDEZ BENZ

TOYOTA AVANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with